MUST READ: ATTENTION ALL FILIPINOS! "BUHAY NG ISANG PXXUTA !! "

Buhay ng isang Puta Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako raw ang pinakamaga...


Buhay ng isang Puta

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako raw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. ‘Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara, makinig ka muna sa kuwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas-alad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi ‘di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.

Tatlong malilibog na foreigners ang nagpiyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang ‘ di ko makalilimutan.

Parang maski ‘di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ”ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko rin alam kung bakit. Ibang klase din kasi siyang mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.

Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakababaliw siya! Alam kong ginagamit lang niya ako, pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-ingles, ‘di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa ang buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na ang kaligayahan namin; ‘yun pala unti-unti niya akong pinapatay.

Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga-tanga ko. Palayasin ko na r1aw. Taon ang binilang bago ako natauhang makinig sa payo. Iniisip ko kasi na parang ‘di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .

Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo, pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto, nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Nakakahiya mang aminin, pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim, sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili na sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangang makita ng mga anak ko na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.

Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa, kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa nang palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka ‘di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Mayroon pa ding bilib sa akin. Napapag-usapan pa rin. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko nang ‘di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.

Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay hindi kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gustong magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan nang ganito ang mga anak ko?

Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan, pero nakadadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? ‘ Di ko lubos maisip kung saang impiyerno nanggaling ang kasakiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakababaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang ‘di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.

Ang ‘di ko akalain ay mismong mga anak ko pa ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.

Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang Pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal n’yo lang ang kailangan ko!”

Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, ‘di man lang ako nagpapakilala.

Ay sorry, ‘di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.

Credit to “Minsan may Isang Puta” @ Peyups.com.

Also Credit to Mike portes

Umani ito ng ibat'-ibang reaksyon ng ating mga netizens:

Loly Jade AndresMaharlikang Inang BAYAN likas Ang Ganda mo kaya Lang MGA Anak moy walang galang at malasakit. Sayo. BANGON INANG BAYAN may MGA Anak kang nagsusumikap NA ikay paglingkuran at iahon SA LUGMOK NG kahirapan kaya Lang pilit SIYANG tinatapakan kaya Amoy nananawagan SA MGA kapatiran NA tayoy MAGTULUNGAN. Upang maiahon ang ating maharlikang Inang BAYAN SA mapagsamantala at ganid nating IBANG MGA kapatiran walang iba kundi Ang kampu Nina kultong dilaw..BANGON INANG PILIPINAS KONG MAHAL----------

BJ MoccoSpaniards.. japanese.. americans.. the three foreign who raped philippines.. but until now.. philippines is asking for help on americans.. thats what she said na pag nggipit sya.. sa lalaking un pdin sya kumakapit... ahehe make sense.. astig.. even though its a long story.. many people will know the fuckin thruth.. and many of us filipino's will know that this fucking country is fucked up by his sons for their ambitions to become rich.. and didnt see their brothers and sisters suffering for poverty.. unless you dont read it full and understand the story-----------

Baerin Elizanta Lawrence: "Ay sorry, ‘di ko nasabi pangalan ko. Pilipinas nga pala." This line tho. I was shocked and amazed! Grabe lang ang galing ng pagkakasulat at pakakakwento. Worth reading--------

John Michael Delgado FabellaAdmin thank you so much kasi nagagawa mong mag post ng ganto para matauhan naman ang mas nakakaraming PILIPINO .. Pero kung hindi picture ng babae yung gagamitin mo sa post na to , malamang ndi papansinin ng nakakarami to .. Uulitin ko .. Salamat ng madami-------------

Muslimah AyeshaNakakaiyak ang katotohanan..wag ka magalala inang bayan..uuwe din po aq muli sa ating tahanan...miss na miss q na po kau..pro pra satin ngtitiis aq...wag ka mgalala inang bayan..njan nmn c kuya digong sya na muna bahala sau ha..mahal na mahal kita inang bayan..ilang ulit man aqng ianak s mundo ikw p din ang pipiliin q mging nanay q.---------

Aaron D. Carabbay3 gumahasa sakanya is yung 3 bansa na sumakop sa bansa naten "EspaƱa, Japan, Amerika" yung tinutukoy dto'ng babae sa kwento is our homeland. Pilipinas yung iba nag comment agad hnd man lang nag basa. mukang mga t*nga. ugaliing mag basa kahit mahaba para malaman nyo kung ano yung kwent hnd yung bara bara nalang mag sasalita.------------

Aiko MiHuwag kang mawalan ng pag asa Pilipinas kasi may anak ka pang natira na handang iahon ka sa kahirapan at ilayo ka sa pagiging laspag yan ay kung mga iba mong mga anak ay tutulungan ka para maiwasan mo ang buhay puta. Ilang taon mo din pinagamit ang sarili mo pero ngayong tao asahan mong magbagong buhay kana. Change is coming. Ilang araw na lang makukuha mo na ang pagmamahal na matagal mo ng hinahanap.---------

Marilyn Quibic RosidoNakaka bless!!!sobra napaisip ako at muntik paiyak!gagawa kme dance d2 sa JIL hk Independence Day,grabe mas pagbu2tihan ko!napaluha ako di ko alam at nasabi ko "sory inang bayan!!di nmin nabigyan pagpapahalaga lht binibigay mo!halos lahat binigay mo pra di lng kme magutom!šŸ˜¢pero inabuso ka nmin!at sinaktan!di rin nmin binigyan pagpapahalaga lht!nagkawatakwatak kme at di nagtulungan mga anak mong Pinoy,,I'm sory inang bayan,pro hindi pa huli lht!babawe kmešŸ’Ŗ...ggwin nmin tama!inang bayan!----------

Anndie Pilapil ReynaHindi ako mahilig sa history bla bla bla. Pero ang ganda ng kwento. Sa totoo lanh, Una tinamad ako basahin kasi nga ang haba eh. So nag basa nalg ako ng comments. Tas nabasa ko about sa pilipinas daw itong puta na to. Edahil sa ayoko ng history. Pinindot ko ang home botton. Pag scroll down ko nakita ko may nag share na kaibigan ko. Ay mabasa nga, Nag papahiwatig eh. So ayun nabasa ko ang kwento na napaka ganda. Kung hindi mo iintindihin at isasaisip hindi mo talaga magugustuhan. Sana sa mga kagaya ko na nag basa muna ng comments. Try nyo basahin. Di kayo mag sisisi----------------

Lahat tayo may OPINYON. Ikaw, ano sa PALAGAY mo? Mahalaga para sa amin na malaman ang iyong opinion tungkol sa issue o news na ito.. Maaaring ilagay sa baba ang iyong komento.


Like and follow us on Facebook for more trending and viral news updates. Share this article with your friends!
Loading...
Name

33rd Association of Asian Nations (ASEAN) Summit,1,4Ps,1,abscbn,2,aga muhlach,2,agot isidro,1,aiko melendez,1,Alan Peter Cayetano,1,amy perez,1,anne curtis,1,anti palo bill,1,Antonio Contreras,1,Antonio Lubao,2,Antonio Parlade Jr,1,Arjay Gallenero,1,arnel ignacio,1,ASEAN Association Summit,3,Asia Pacific Economic Cooperation (APEC),1,Asian University list,1,Attorney Glenn Chong,2,Attorney Larry Gadon,2,Atty. Carlo Ybanez,1,Atty. Glenn Chong,3,atty. jesus falcis,4,Atty. Larry Gadon,3,atty. trixie cruz,2,baguio,1,Balangiga bells,3,Balangiga bells.,1,bam aquino,1,Banco de Oro,1,bandila,1,banko sentral ng Pilipinas,1,Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie,1,bbm,1,BDO,1,Benigno "Noynoy" Aquino III,3,Benjamin Diokno,1,Benjie Daisy Contreras,1,BIR,1,bishop bacani,1,Bishop Richard Alcantara,1,bjmp baguio,1,bohol,2,bong go,1,Bong Revilla,2,bongbong marcos,1,boracay,7,Borongan Samar,1,bpi,1,Broderick Pabillo,2,Brother Armin Luistro,1,build build build program,3,Bureau of Internal Revenue,1,butch abad,1,Caloy Bueno,1,camarines norte,1,Camille MuƱoz David,1,cancer patients,1,Cardinal George Pell,2,cardinal tagle,1,Carmelito "Jun" David,1,Catriona Grey,1,cbcp,14,Chairperson Prospero de Vera III,1,CHED,1,Chief Inspector Jovie Espenido,1,Chief Oscar Albayalde,1,chinese national,1,chito gascon,1,Chokoleit,1,chr,2,Christine Lee Silawan,6,cj corona,1,Clark International Airport Corporation (CIAC),1,Coleen Garcia,1,College of St. Benilde,1,Commission on Higher Education,1,Corazon "Cory" Aquino,2,Cory Aquino,1,CSB,1,Dan Santos,1,DasmariƱas,1,De La Salle University,1,de lasalle university,1,dengvaxa vaccine,1,Denmark Ambassador sa Pilipinas na si Jan Christensen,1,Dennis Uy,1,Department of Agriculture,2,Department of Public Works and Highways (DPWH),1,Department of Trade and Industry,1,Department of Transportation,1,Department of Transportation (DOTr),2,Derek Manny CastaƱeda,1,digong dilaw,1,DLSU,1,Doble Plaka bill,1,Dr. Farrah Bunch,1,DSWD officials,1,duterte,44,duterte power nap,1,duterte supporter,1,eat bulaga,1,Ed Tadem,1,Edison "Bong" Nebrija,1,Edsa People Power Anniversary,2,EDSA Traffic,1,Eliza Antonino,1,emilio aguinaldo,1,entertainment,3,erwin tulfo,6,espenido,1,Expanded Maternity Leave (EML),1,facebook,3,fliptop,1,Florin Hilbay,1,forbes,1,Fr. Kenneth Bernard Hendricks,1,Francis Baraan,2,franklin drilon,2,free chemo for cancer patients,1,gabriela,1,galunggong,1,Gary Alejano,3,globe telecom,1,Gloria Macapagal-Arroyo,1,greco belgica,1,gretchen barretto,1,Guillermo Eleazar,1,guingona,1,hacienda luisita,1,Harry Roque,1,HEALTH,15,House Bill 8875,1,Iglesia Ni Cristo,1,imee marcos,1,inday sara duterte,1,it's showtime,1,James Deakin,1,janet lim napoles,1,Janice Lao,1,jay sonza,4,Jeanette Angel Aries,1,Jesus Falcis,1,jim paredes,2,Jo Soliman,1,joaquin montes,2,joey salceda,1,jolo sulu,1,joma sison,2,Jose Reyes Memorial Medical Center,1,Joseph Martin Cagasan,1,jover laurio,6,Juana Change,1,kaloggoodvibes,1,Kalusugan at Nutrisyon ng Magnanay Act,1,karen davila,4,Keesh Potgieter,1,kenneth dong,2,kidapawan,1,Kingdom Of Jesus,1,korina sanchez,1,kris aquino,15,Krizette Laureta Chu,1,Laguna Lake Highway,1,Laoag City Bypass,1,Latest sa Showbiz,27,leila de lima,3,leni robredo,10,limasawa port,1,local news,41,local politics,1,Lorna Ricardo,1,Lorraine Marie T. Badoy,1,LUCs,1,Lumads,4,mader sitang,1,Maggie Mae de Jesus,1,maharlika,1,mainstream media,1,Makati Subway System,1,Malcolm Conlan,2,Manila Bay,18,manila water shortage,1,manny pacquiao,3,Manny Pangilinan,2,Manny Pinol,3,Manny PiƱol,3,mar roxas,7,MARCOS,4,Marian Santiago-Barte,1,Mark Lopez,2,martial law,2,martial law extension,1,marvel comics,1,Mayor Senandro “Pretty Boy” Jalgalado,1,measles outbreak,1,Mega Manila Subway Project,1,MIASCOR,1,Mike Billington,1,MJ Quiambao Reyes,2,mobile phones,1,Mocha Uson,3,momo challenge,2,monolithic dome project,1,Mr. Gay World Philippines 2009,1,Mrt,2,Msgr. Pedro Quitorio III,1,NAIA,1,Nation,413,National Food Authority,1,National Union of Journalists sa Pilipinas,1,National Youth Commission,1,Natural Remedies for beauties,4,NCRPO director Guillermo Eleazar,1,netizen report,1,New Clark City,1,New Clark City Complex,1,News,838,Nicko Falcis,9,ninoy aquino,7,NLEX HARBOR LINK SEGMENT 10,1,Noel Landero Sarifa,1,Nonoy Espina,1,North Luzon Expressway Harbor Link,1,NPA,2,ofw,5,Oriental Mindoro,1,otso diretso,1,otso diretso in hongkong,4,OWWA,1,paboost issue,1,PACC Commissioner Greco Belgica,1,Panguil bridge extension,1,Pangulong Ferdinand Marcos,2,Pangulong Rodrigo Duterte,5,pantaleon alvarez,1,Pantawid Pamilyang Pilipino Program,1,Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps),1,PAO Chief Acosta,1,Papua New Guinea,3,Parojinog,1,Passenger Terminal Building (PTB),1,pastor apollo quiboloy,1,Patricia Fox,1,paysbook,2,people power,1,PEP,1,philhealth,1,Philip Luster Jr.,1,Philippine General Hospital,1,Philippine Stock Exchange,1,philippine subway. dotr,1,Philippine-China assembly,1,philippines,1,pinky webb,1,pinoy ako blog,2,PITX,1,pldt,1,pnoy,1,PNoy aquino,2,poland,1,pope francis,3,pork barrel,1,President Duterte,47,President Ramon Ang,2,President Rodrigo Duterte,4,President Rodrigo Roa Duterte,1,President Xi Jinping,2,Presidential Spokesman Salvador Panelo,1,Presidential Spokesperson Salvador Panelo,1,Professor Van Ybiernas,1,Puerto Galera,1,Raffy Gutierrez,1,raffy tulfo in action,15,Ranhilio Callangan Aquino,1,Rappler CEO Maria Ressa,6,recount,1,Rev. Armand Garcia,1,Rev. Fr. Decoroso Olmilla,1,Rhea Sangalang Cruz,1,Richard "Dick" Gordon,2,Richard "Red" Santillan,2,Richard Black,1,Richard Santillan,1,rissa hontiveros,3,rizal day,1,RJ Nieto,1,Rolaiza Mimi Singayao,1,Roman Catholic Archbishop of Manila,1,ron gagalac,2,Ronald Gian Carlo Cardema,1,ROTC,1,rubber wheels,1,Ryoichi Temporosa Suzuki,1,salary for housewife,1,Salvador Panelo,1,samira gutoc,1,San Beda at College of Law dean,1,San Miguel Corporation,1,San Miguel Corporation (SMC),2,sara duterte,1,sara elago,2,sass rogando sasot,3,scam,1,Scarborough Shoal,1,Scout Ranger Ville,1,Sec. manny PiƱol,1,Secretary Arthur Tugade,2,Secretary Mar Villar,1,Secretary Roy Cimatu,1,Senador Francis 'Kiko' Pangilinan,3,Senador Panfilo "Ping" Lacson,2,Senate President Vicente "Tito" Sotto III,1,Senator Antonio Trillanes,1,senator dick gordon,1,Senator Grace Poe,1,Senator Kiko Pangilinan,1,Senator Risa Hontiveros,2,Senator Tito Sotto,3,Sheerlyn Gerasta,11,sinio,1,SM,2,social security system,1,Social Weather Stations (SWS),1,Socrates villegas,1,Solar-Powered Irrigation Project,2,solidarity walk,1,Solita "Winnie" Monsod,1,Spark Florin,1,SPIS,1,sss,1,st. peter,1,Stan Lee,1,SUCs,1,sws survey,2,tagbilaran bohol port,1,Teodoro "Teddyboy" Locsin Jr.,2,thailand,1,the aristocrat restaurant,2,thiniking pinoy,3,thinking pinoy,2,three major infrastructure projects,1,Tony Labrusca,1,TRENDING,313,Trillanes,4,Trixie Cruz-Angeles,1,Tubigon Port,1,tullahan river,1,UAAP Game,1,Universal Access to Quality Tertiary Education Act,1,universal health care act,1,University of the Philippines,1,UP,2,vice ganda,1,Viral,520,Vpeeps,1,Wilbert Tolentino,1,Winnie Monsod,1,world of dance,1,world-class sports complex,1,yolanda typhoon,2,
ltr
item
Trending Balita: MUST READ: ATTENTION ALL FILIPINOS! "BUHAY NG ISANG PXXUTA !! "
MUST READ: ATTENTION ALL FILIPINOS! "BUHAY NG ISANG PXXUTA !! "
https://1.bp.blogspot.com/-NTDAF37AHEU/Wj7IjJYS1_I/AAAAAAAAjOc/uDVKHrq1YHsl3CME8fFZv_6tfYjg8edfQCLcBGAs/s400/26034369_392101127879275_1935225027_n.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-NTDAF37AHEU/Wj7IjJYS1_I/AAAAAAAAjOc/uDVKHrq1YHsl3CME8fFZv_6tfYjg8edfQCLcBGAs/s72-c/26034369_392101127879275_1935225027_n.jpg
Trending Balita
https://www.trendingbalita.online/2017/12/must-read-attention-all-filipinos-buhay.html
https://www.trendingbalita.online/
https://www.trendingbalita.online/
https://www.trendingbalita.online/2017/12/must-read-attention-all-filipinos-buhay.html
true
7210464207927253130
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy